-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kaso ang dalawang beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) at dalawang iba pa matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa Purok 1, San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya. 

Kinilala ng Bayombong Police Station ang dalawang SAP beneficiaries na sina Joseph Hermoso, 25; at Ramon Ancheta, 42, may asawa, tricycle driver at residente ng Don Mariano Perez, Bayombong Nueva Vizcaya

Ang dalawang iba pa na naaresto ay sina alyas Mike, 22,, binata, tricycle driver na residente ng Don Mariano Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya; at si si alyas JC, 40-anyos, may asawa, construction worker at residente ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya. 

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Staff Master Sgt. Milter Villanueva ng Bayombong Police Station na isang concerned citizen ang dumulog sa kanilang himpilan at isinumbong ang pagsusugal ng mga pinaghihinalaan.

Agad nagtungo ang mga otoridad sa lugar at nahuli sa aktong pagsusugal ang mga pinaghihinalaan habang nakatakas ang iba pa.

Nakuha mula sa mga naareso ang isang set ng baraha, lamesa, upuan at bet money na nagkakahalaga ng P300. 

Nang madakip, nanghamon pa umano sina Hermoso at Ancheta dahilan para kaharapin nila ang iba pang hiwalay na kaso.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 sa ilalim ng Enhance Community Quarantine, violation sa Precidential Decree no. 1602 (Illegal Gambling Act) at paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) ang mga nadakip.