-- Advertisements --

Dalawang umano’y operatiba ng militanteng grupo ng Hamas na nakikipagdigma sa Israel ay dating nanatili sa Pilipinas at nagtangkang mag-operate at makipag-alyansa sa mga lokal na ekstremista noong 2018 at 2022.

Ayon kay National Security Council assistant director general Jonathan Malaya, ang isa ay eksperto sa bomba na inaresto at ipinatapon limang taon na ang nakararaan.

“We saw there was intent by Hamas to launch activities in the Philippines. In fact, in 2018, there was a Hamas bomb maker that was arrested by the Philippine National Police (PNP) and deported to Turkey,” wika ni Malaya.

Ibinunyag ni Malaya na batay sa imbestigasyon ng pulisya, may apat na pangunahing layunin ang mga operatiba ng Hamas na nagtangkang lumusot sa bansa.

Kabilang dito ang umano’y pagpatay sa mga Israeli sa Pilipinas.

Pangalawa, makalikom ng pondo. At pangatlo, gamitin ang social media para maikalat ang kanilang propaganda.

At isa pa, magsagawa ng mga rally sa mga embahada at iba’t ibang lugar upang lumikha ng maliwanag na pagkakawatak-watak o kaguluhan.