-- Advertisements --
Naharang ng US at Canadian fighter jets ang dalawang Russian long-range bombers sa karagatan ng Alaska.
Ayon sa North American Aerospace Defense Command, nakita ng kanilang dalawang US F-22 stealth jets at dalawang Canadian CF-18 fighters ang nuclear-capable Russian Tu-95 Bear bombers.
Nakapasok ito sa Alaskan at Canadian Air Defense Identification Zones sa may 200 miles ng Alaska western coast.
Nanatili ang Russian aircraft sa international airspace at hindi ito pinilit na makapasok sa US o Canadian sovereign territory.
Malaki naman ang paniniwala ng mga US military officials na tila nagsasanay ang Russia sakaling tumindi ang tension nila ng US.