-- Advertisements --
Isang magnitude 5.3 na lindol ang naitala sa karagatan ng Davao Occidental ngayong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang lindol bandang alas- 7:13 ng umaga at ang sentro nito ay natukoy sa 04.94° hilagang latitud at 128.04° silangang longhitud, humigit-kumulang 286 kilometro timog-silangan sa bayan ng Jose Abad Santos.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay tectonic ang pinagmulan at may lalim na 10 kilometro.
Wala umanong inaasahang pinsala mula sa lindol, subalit nagbabala ang ahensya na maaaring magkaroon ng mga aftershock sa mga susunod na oras o araw.
Patuloy na minomonitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at pinayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng kasunod na pagyanig.










