CAUAYAN CITY– Tatlong katao ang nasugatan sa naganap na karambola ng 3 na sasakyan sa national road San Felipe, Ilagan City .
Sangkot sa karambola ng mga sasakyan ang isang mazda camper shell na minamaneho ni PMSgt. Larry Zipagan, 40 anyos, may asawa, kasapi ng PNP City of Ilagan, residente ng Brgy Osmena, City of Ilagan; isang Mio 125 na motorsiklo na minamaneho ng isang kasapi ng Manila Police District na si Edwin Ferrer, 28 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Isidro, isang Mazda at isang Navarra Pick-up
Lumabas sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station na binabaybay umano ng tsuper ng mazda ang naturang lansangan patungong timog na direksyon ngunit pagdating sa may pakurbang bahagi ng kalsada ay nag-overtake umano ang tsuper ng isang navara pickup na nasa kasalungat na direksyon sa isang toyota avanza na minamaneho ni Efrain Nicanor Gaffud, 19 anyos , estudyante residente ng Taguig City nang bigla nasagi ng pickup ang harapang bahagi ng mazda dahilan upang mawalan ng kontrol ang tsuper nito at naging sanhi naman upang aksidenteng mabangga ang motorsiklo.
Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang tsuper ng motorsiklo at nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Dinala din sa ospital ang dalawang lulan naman ng toyota na sina Elvera Gaffud, 45 anyos at Felomino Javier, 67 anyos upang malapatan ng lunas.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station kaugnay sa nasabing aksidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tsuper ng naturang pickup na tumakas matapos ang aksidente.