Dalawang police personnel nasawi habang dalawa ang sugatan kabilang ang isang Police Lieutenant sa naganap na sunog kaninang madaling araw sa loob ng compound ng Transportation Maintenance Division facility, Logistic Support Service sa Camp Crame.
Nakilala ang dalawang nasawing police personnel na sina PSSG Nichol Jamosjos at PMSg Amado Ormillon, habang stable na rin ang condition nina Lt. Victorio Esyulde ng SAF at SSgt. Jesus Apil mula sa DPRM.
Batay sa pahayag ni Lt.Col. Daniel Vinluan, ang deputy chief,TMD,LSS na nakarinig siya ng bursting sound mula sa gate ng TMD,LSS at ng siya ay lumabas nakita niya ang apoy sa likod ng SAF V150 armored vehicle.
Agad siya nag alarm para tumawag ng firetruck.
Ang dalawang SAF personnel na naka duty at crew ng V150 ay na suffocate dahil sa usok mula sa sunog.
Kaagad naman rumisponde ang mga tauhan ng Base Fire personnel at habang patungo sa lugar, nakuryente si PSSg Jamosjos.
Nagsimula ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling araw at idiniklarang fire-out bandang alas- 3:06AM.
Agad na isinugod sa emergency room ng PNP General Hospital ang apat pero diniklarang patay si PMSg Ormillon Jr bandang alas-3:59 habang diniklarang patay si PSSg Jamosjos bandang alas-4:02 ni Major Dr. CLarissa Modes.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi sa sunog kaninang madaling araw at kung magkano ang halaga ng ari-arian ang napinsala.
Agad na ipinag-utos ni Sinas kay HSS Director BGen Arthur Bisnar na magsagawa rigid periodic fire safety inspection sa lahat ng PNP facilities at sa mga building sa loob ng Camp Crame lalo na ang mga lumang structures.