WASHINGTON – Usap-usapan pa rin ang dalawang professor sa US state of Arkansas, matapos ang tila paggaya ng mga ito sa mga character ng pelikulang “Breaking Bad.”

Sa nasabing palabas kasi ay nagluto ng droga ang chemistry teacher na si Walter White (ginampanan ni Bryan Cranston), para mapunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Katulad sa pelikula, chemistry professors din ang mga sangkot sa tunay na paggawa ng shabu sa Arkansas, na kinilalang sina Bradley Rowland, 40 at Terry Bateman, 45.

Si Rowland ay 10 taon na sa unibersidad, habang limang taon naman si Bateman.

Nabatid na natuklasan lamang iligal na gawain ng mga guro nang kumalat ang masangsang na amoy sa loob ng campus. (AFP)