Dalawa pa lang mula sa sampung kandidato sa pagkapangulo ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa Commission on Elections (Comelec) panel interview.
Tumanggi si Comelec Commissioner George Garcia na pangalanan ang 2 kandidatong sasali sa interview na ipapalabas mula Mayo 2 hanggang 6.
Aniya, kahit lahat sila ay umattend at kahit ang iba ay hindi maka-attend ay tuloy na tuloy na ipapalabas ang interview sa kanila, kahit yun ay 3 lamang, 4 lamang, tuloy po para fair sa lahat.
Inorganisa ng poll body ang interview sa tulong ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas matapos kanselahin ang huli nitong 3 presidential debate dahil sa hindi pagbabayad ng contractor na Impact Hub Manila sa Sofitel para sa pagho-host ng event.
Tanging ang kampo lamang ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang nagpahayag sa ngayon na hindi dadalo sa interview.
No-show din siya sa mga debate sa Comelec.
Sinabi ni Garcia na mag-aadjust ang Comelec para sa mga kandidato at maaaring magsagawa ng panayam sa mga istasyon ng KBP malapit sa kanilang campaign sorties.