Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang dalawa sa 118 mga police scalawags na ipinatapon sa Basilan.

Ito ang kinumpirma ni PNP ARMM regional director police PCSupt. Reuben Theodore Sindac.

Sinabi ni Sindac na ang dalawang police na ito ay may mga ranggong Police officer 2 at ngayoy inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawa.

Ipinag-utos na rin ni Sindac sa kaniyang mga tauhan ang pagbuo ng task force para naman tutukan ang kaso ng mga police scalawags na nag AWOL o absence without official leave.

Noong February 21, 2017 pinadala sa Basilan ang unang batch ng mga pasaway na pulis.

Ang unang batch ay binubo ng 54 police personnel at sa ikalawang batch ay nasa 66.

Anim dito ay nag courtesy call sa Police Regional Office ng ARMM.