CENTRAL MINDANAO-Dalawa katao ang on the spot na nasawi sa pananambang dakong alas 6:25 Miyerkules ng gabi sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga napatay na sina Jomar Mustapha,30 anyos, may asawa, walang trabaho na residente ng Barangay Fort Pikit at Ali Wahab,20 anyos,binata at nakatira naman ng Barangay Macabual Pikit.
Ayon kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa loobang bahagi ng Brgy Batulawan Pikit na silay tambangan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite rifles at kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga namaril patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.
Agad binawian ng buhay ang mga biktima nang magtamo nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Sa ngayon ay blangko pa ang Pikit PNP sa motibo sa pamamaslang sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.