CENTRAL MINDANAO – Patay ang dalawa katao sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ulat ng mga otoridad na sakay ng Isuzu Elf ang mga biktima sa Barangay Central Malamote, Matalam, North Cotabato nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang kaso.