-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang isa ang sugatan sa ikatlong araw ng kilos protesta sa lungsod ng Kenosha.
Hindi naman nagbigay ng ibang detalye ang kapulisan sa nangyaring pamamaril.
Sinasabing nangyari ng magkasagupa ang mga protesters at mga armadong kalalakihan na nagbabantay sa petrol station.
Nagsimula ang malawakang kilos protesta sa nasabing lugar matapos ang pamamaril kay American-African na si Jacob Blake ng mga kapulisan.
Dahil sa pamamaril ay nahirapang makalakad ang nasabing biktima.
Naglagay na rin ng maraming bilang ng kapulisan sa lugar para mabantayan ang mga nagsasagawa ng protesta.