-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang pagtama ng rocket ng Russia sa isang bukirin sa Poland.

Ang Przewodow ay malapit sa border nila ng Ukraine.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng pagpupulong sina Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki at ang kaniyang mga national security advisers at defense affairs para tugunan ang nasabing insidente.

Bagamat hindi pa tiyak ng Poland kung nanggaling sa Russia ang dalawang missile na tumama sa kanila pero nangyari ito ng iulat ng Ukraine ang patuloy na pagpapaulan ng Russia ng missiles sa kanila.

Tiniyak din ng US na nakabantay sila sa nagaganap sa Poland na miyembro ng NATO.