-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos ang pagsagasa ng isang sasakyan sa bus stop sa Jerusalem.
Sinabi ni Israeli police spokesperson Dean Elsdunne na isang lalaki at anim na taong gulang na bata ang mga biktima.
Naaresto naman ang driver ng kotse na isang 30-anyos na lalaki.
Bukod sa nasawi ay mayroong naitalang limang iba ang nasugatan na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.
Itinuturing ng mga otoridad na isang uri ng terror attack ang nasabing insidente.










