Lucedale Mississippi
-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang 10 ang nasugatan matapos ang pagragasa ng tubig baha sa Lucedale, Mississippi.

Naganap ang insidente sa two-lane Highway 26 sa George County.

Sinasabing ang naganap na washout ay dahil sa malakas na pag-ulan dahil sa Hurricane Ida.

Nasa pitong sasakyan ang nahulog sa butas na may lawak na 50 feet at lalim na 20 feet.