-- Advertisements --
Sinimulan na ng Azerbaijan military ang kanilang kampanya laban sa mga terorista sa Nagorno-Karabakh region.
Binomba ng mga Azerbaijan military ang Stepanakert region kung saan dalawang sibliyan ang nasawi kabilang ang isang bata.
Umabot rin sa 11 katao ang nasugatan na dinala ang mga ito sa pagamutan.
Ang Nagorno-Karabakh ay kota ng ethnic Armenia na kinikilala bilang bahagi ng Azerbaijan.
Ilang buwan ng nagkaroon ng tension sa lugar matapos na harangan ng mga sundalo ng Azerbaijan ang Lachin corridor na siyang nagpuputol sa kalsada na kumukonekta sa Nagorno-Karabakh patungo sa Armenia.
Dahil sa pagkasara ng kalsada ay apektado ang daloy ng mga produkto.