Patay ang dalawang katao na sangkot sa iligal na droga sa isinagawang malawakang pagsuyod ng PNP sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.
Pinangunahan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni deputy director for administration Col. Antonio Yarra kasama ang may 2,000 na kapulisan.
May edad mula 35 hanggang 40 ang hindi pa nakilalang mga napatay na suspek na sila ay nanlaban sa anti-drug operations ng PNP.
Itinuturing kasi ng PNP na ang lugar ay “most drug-affected area” sa lugar.
Ang nasabing raid ay alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno sa MPD na suyurin ang kota ng mga durugista at mga nagbebenta ng mga loose firearms.
Mayroong 300 mga tao ang naaresto at sila ay dinala sa covered basketball court.
Nakarekober naman ang mga kapulisan ng dalawang granada, ilang piraso ng home made shotguns at mga droga.