-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Binahian, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Alona Mirando at Anacito Mirando habang sugatan naman si Allan Mirando.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na nag-ugat ang krimen sa away sa lupa.

Nagkaroon umano ng away sa pagitan ng mga biktima at ng suspek na si Alfredo Panganiban na nauwi sa pamamaril.

Nagtamo ng malalang tama sina Alona at Anacito Mirando na naging daan ng agarang kamatayan nito habang sugatan naman si Allan Mirando.

Samantala, matapos ang insidente, binaril din ng suspek ang kanyang sarili subalit agad naman itong naisugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.