vehicular accident 1
-- Advertisements --
baao accident vehicular

NAGA CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang 11 iba pa matapos ang salpukan ng kotse at van sa Baao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Mary Grace Tagtag, hepe ng Baao Municipal Police Station, sinabi nito na habang binabaybay ng kotse ang kalsada papunta sa Albay mula sa Maynila, ay dito na ito nakasalpukan ang van na mula naman sa kabilang direksyon.

Aniya, batay sa imbestigasyon, kinain na ng kotse ang kabilang linya hanggang sa nawalan na umano ng kontrol ang driver nito na nagresulta sa naturang salpukan ng dalawang behikulo.

Dagdag pa ni Tagtag, dahil sa insidente binawian ng buhay ang dalawang sakay ng kotse at nagtamo rin ng mga sugat sa kaniyang katawan ang isa pang sakay habang sugatan din ang mga sakay ng nasabing van na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

-- Advertisement --