BUTUAN CITY – Dalawang sundalong miyembro ng 402nd Brigade, Philippine Army ang patay at isa ang sugatan sa magkaibang engkUwentrong naganap sa mga bayan ng Esperanza at San Luis, Agusan del Sur.
Ayon kay 402nd Brigade, Philippine Army commander General Maurito Licudine, ang unang engkEwentro ay naganap pasado alas-10:00 ng umaga sa Sitio Canasungay, sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur.
Dito na nakasagupa ng tropa ng militar sa loob ng isang oras ang tinatgyang 30 mga rebeldeng miyembro ng RSDG Compaq ng NCMRC hanggang naabutan sila ng reinforcement troops pasado alas-3:45 ng hapon at naganap na naman ang 30-minutong engkwentro kungsan dito na namatay si 2Lt. Kart Anthony Ayon-Ayon.
Samantalang ang sumuportang ibang yunit ay nakasagupa din ng mga rebelde sa may Sitio Turok-Turok sa Brgy. Brgy. Mahagsay, sa bayan ng San Luis sa nasabing lalawigan na nagresulta usab sa pagkamatay ng sundalong si PFC. Dennis Pelenio at pagkakasugat naman ng isa pa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gen Licudine na naaganap ang engkwentro matapos respondehan ng kanilang tropa ang intelligence report ukol sa presensya ng mga rebelde sa naturang mga lugar.