Dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dulot ng COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 121 ang namatay na mga pulis dahil sa nakakamatay na virus.
Sa talaan ng PNP, isang 31-anyos na police corporal na na-assign sa municipal police station ang binawian ng buhay noong Oktubre 6 sa Philippine General Hospital.
Noong Setyembre 24, na-diagnose ng acute myeloid leukemia ang pulis at nagpositibo sa virus.
Isang police executive master sergeant naman na na-assign sa police station sa Metro Manola ang pang-ika 121 na namatay dahil sa deadly virus.
Pumanaw siya noong Oktubre 5 sa National Kidney Transplant Institute dahil sa COVID-19 at critical pnuemonia.
As of Thursday, ang PNP ayy nakapagtala na ng 40,548 COVID-19 cases na may 94 bagong infections.
Nasa 38,700 din ang nakarekober sa nasabing sakit habang nasa 1,727 ang active cases.
Nakapagtala naman ang PNP ng pagbaba ng active cases na 21.31% sa nakalipas na 13 araw.