-- Advertisements --

Dalawang pang katao ang inilagay sa isolation sa pangunahing pagamutan ng Uganda matapos na magpositibo ang mga ito ng Ebola.

Sa kabuuan ay mayroon ng limang kaso ng Ebola sa nasabing bansa.

Ayon sa Health Ministry ng bansa na karamihan sa mga nagpositibo ay mula sa Kampala na doon din ang sinasabing pinagmulan ng virus.

Sinabi ni Health Minister Jane Ruth Aceng, na ang tatlong pasiyente ay kabilang sa 60 katao na nasa isolation sa Mulago Hospital sa Kampala.

Ang mga ito ay nahawaan sa pasyente mula sa Kassanda district sa central Uganda na nasawi sa Mulago.

Sa kabuuan ay aabot na sa 28 katao ang nasawi at mayroong nahawaan na 75 na iba pa.