-- Advertisements --
NBI Manila

Kinumpirma mismo ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaresto ng NBI ang mismong hepe ng NBI Legal Assistance Section at kapatid nito.

Ito ay dahil sa alegasyong manipulasyon at extortion sa ginagawang imbestigasyon ng NBI sa kontrobersyal na “pastillas” scam.

Ayon kay Atty. Ferdinand Lavin, ang deputy director at tagapagsalita ng NBI, ang mga naaresto ay sina Atty. Joshua Paul Capiral at Christopher Capiral na isang immigration officer.

Base sa imbestigasyon, tumatanggap daw ng bribe si Atty. Capiral para makalusot ang ibang mga tao partikular sa Bureau of Immigration (BI) na nahaharap sa kaso dahil sa pastillas scandal.