-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawang mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga rebelde na sina Ka Ricky at Ka Bogs, mga tauhan ng Guerilla Front Committee 73.

Sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 38th Infantry (We Clear) Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano sa Sitio Compaq Barangay Batang-Bagras Palimbang Sultan Kudarat.

Fala ng mga NPA sa kanilang pagsuko ang isang M16 Armalite rifle, isang 12 guage shotgun,mga bala at mga magazine.

Kumikilos ang mga rebelde sa hangganan ng Sultan Kudarat,South Cotabato at Sarangani.

Sinabi ni Ka Bogs na pagod na sila sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto nang mamuhay ng mapayapa.

Hinikayat ni Atilano ang mga NPA na sumuko at tutulungan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).