Dalawang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala mula sa mga staff ng House of Represenatives.

Sa isang statement, sinabi ni House Secretary General Jose Montales na isa sa mga bagong kaso ng sakit ang naitala mula sa Human Resources Management.

“He reported for work on July 22 and 23. He got tested on July 31 after experiencing cough and colds, fever, and loss of smell and taste.”

Mula naman sa Engineering department ang ikalawang bagong kaso. Ayon kay Montales, una nang nag-positibo rapid antibody ang naturang kawani noong SONA screening.

Sa hiwalay namang pagsailalim sa kanya sa confirmatory na RT-PCR test ay nag-test positive din ito.

“Contact tracing is ongoing.”

Aabot na sa 31 ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Batasang Pambansa, kabilang na si Basilan Rep. Mujiv Hataman na pinaka-bagong kongresistang tinamaan ng sakit.