-- Advertisements --
image 151

Nagri-rekober na ang dalawang Pinoy na nasugatan sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio, ang isa sa nasugatang Pilipino na si Joey Pasulingan na tubong San Carlos, Pangasinan na tinamaan ng bala ay naospital sa health Liaison Office at nabisita na rin ng mga opisyal ng PH kabilang ang labor attache at social welfare worker.

Habang ang isa naman na na-suffocate matapos sunugin ng Hamas ang bahay ng kaniyang employer na Israeli ay nasa isang hotel sa Tel Aviv at nasa maayos ng kalagayan.

Sa kasalukuyan, nananatili sa 7 ang bilang ng mga Pilipinong unaccounted subalit 24/7 aniya nilang minomonitor ang mga Pilipino na nasa war-torn country.