Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang opensiba ng militar laban sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa may Gen Nakar, Quezon kung saan nakasagupa kahapon ng mga operating units ng 80th Infantry Battalion ang nasa 30 armadong rebelde.

Nasa 12 ang naiulat na nasawi kabilang ang dalawang sundalo at 10 sa panig ng NPA.

Ayon kay 2nd Infantry Division Commanding General MGen. Rhoderick Parayno na patuloy ang hot pursuit operations ngayon sa pangunguna nina 1Lt. Entoma at Lt Bauya.

Sinabi ni Parayno na lalo pang pinalakas ng militar ang kanilang opensiba laban sa rebeldeng grupo.

Kinilala ni Parayno ang dalawang nasawing sundalo na sina Sgt. Nelson Zamora at Sgt Bernard Rosete.

Habang ang dalawang sugatan ay sina Sgt. Franklin Peralta at Cpl Ruben Pauig na kasalukuyang ginagamot ngayon sa V Luna hospital.

Ayon sa heneral naipa alam na sa mga kamag anak ng dalawang nasawing sundalo ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.