CENTRAl MINDANAO – Patay ang dalawang binata sa banggaan ng motorsiklo sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Saimon Dago, 18, estudyante at Ibrahim Udsag, 24.

Sugatan naman si Abdulpata Panalangin, 18, pawang mga residente ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya matulin umano ang takbo ng Suzuki Raider 150 na motorsiklo na minamaneho ni Udsag at nag-overtake sa isang sasakyan sa bahagi ng Brgy Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ngunit binangga nito ang kasalubong na Rusi motorcycle na minamaneho naman ni Dago.

-- Advertisement --

Kapwa tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo kung saan dead on the spot si Dago dahil sa matinding head injury at bali sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang dead on arrival si Udsag sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Datu Odin Sinsuat sa naturang pangyayari.