Nag-deploy ang Philippine Navy ng dalawa sa moderno at capable assets nito para palakasin ang kapasidad ng Western Command (Wescom) na nakabase sa Puerto Princesa, Palawan.
Ito ang missile at anti-submarine warfare (ASW) frigate BRP Antonio Luna (FF-151) at partner nito na AgustaWestland na ngayon ay Leonardo AW-159 “Wildcat” helicopter.
Ayon sa Wescom kamakailan lamang ng dumating ang dalawang anti0submarine assets sa kanilang area of responsibility,
Sinabi din ng Wescom na ang dalawang anti-submarine warfare assets ay ipinadala sa western border ng ating bansa para sa maritime at sovereignty patrols na titiyak sa epektibong maritime presence partikular sa may West Philippine Sea.
Nagsagawa ang naturang assets ng bansa sa iba’t ibang pagsusuri at pagsasanay habang nagpapatroya sa WPS.
Ang deployment din aniya ng nasabing warfighting assets ay angkop na hakbang upang maprotektahan ang soberanya at territorial integrity ng ating bansa.