CAGAYAN DE ORO CITY – Nauwi sa trahedya ang simpleng paliligo sa anim na magbabarkada na mga menor de edad habang naliligo sa dagat sa Villa Gracia, Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos biglang hampasin ng malaking alon at napadpad sa mas malalim na bahagi ng dagat.
Dahil dito dalawa agad sa magbarkada ang nalunod hanggang bawian ng buhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Maybel Cabingue na taga-Oro Cena, Macanhan, Barangay Carmen na humingi ng pahintulot ang anak na si Jay Clark, 14, na maliligo kasama ang mga barkada.
Inihayag ni Cabingue na mismo umano ang isang Kent Michael Bato, 14, ang nagkumbinsi sa kanya pahintulutan na sila maligo dahil matagal na itong pinaplano ng magbarkada.
Subalit ng nasa dagat na ang mga biktima ay naganap ang trahedya kung saan pinadpad ang mga ito sa malalim na bahagi at natuklasan na halos lahat sila ay hindi marunong lumangoy.
Namatay si Kent at Shan Carlo Gantuangco habang nailigtas naman ng mga nagrespondeng mga barkada si Jay Clark, Mikaila Sollano, Jose Saluta at Juriel Valenzuela nilalapatan ng medikasyon sa pampublikong pagamutan sa syudad.