-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Nagsisilbing isang maagang pamasko sa pamilya ang paguwi ng dalawang mangingisda na unang na-missing matapos pumalaot sa kasagsagan ng bagyong ‘Vicky’ noong nakaraang linggo.

Itoy matapos nakabalik na ligtas sa kanilang tahanan sina Ian Tion, 31, may-asawa at Gary Hadman, 17, binata na parehong taga Mambuaya, Kambulawan, Lagonglong sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Police Senior Master Sgt. Santiago Serojales Jr ng Lagonglong Municipal Police Station na hindi alam ng mga biktima na may bagyo ng mga panahong iyon at inabutan ng malakas na ulan at naubosan ng gasolina ang kanilang mga pamboat.

Ayon kay Sarojales ang mga nahuling isda ang nagsisilbing pantawid gutom ng mga biktima habang ilang araw na palutang-lutang sa dagat.

Masuwerte umanong may nakasalubong sa laot na kapwa mangisngisda at nabigyan sila ng gasolina.