Pinalaya na ng Myanmar ang dalawang mamamahayag na ikinulong nito sa kanilang bansa matapos di-umano’y lumabag ang mga ito sa Official Secrets Act ng bansa.

Sina Wa Lone, 33-anyos, at Kyaw Soe Oo, 29-anyos, ay parehong sinentensyahan ng hanggang pitong taong pagkakakulong.

Ito ay ginawa matapos kumpirmahin ng Myanmar ang gagawin nitong pagpapalaya ngayong araw sa halos anim na libong preso na nasa ilalim ng amnestiya.

Naging kaugalian na ng mga otoridad sa Myanmar na palayain ang mga bilanggo kasabay ang tradisyunal na pagdiriwang ng New Year sa bansa tuwing April 17.