GENERAL SANTOS CITY – Nag-iwan ng legasiya si P-Noy bago ito nalagutan ng hininga.

Ito ang sinabi ni former South Cotabato 1st District Rep. Pedro Acharon Jr.

Ito ay ang circumferential road na nagkonekta sa pitong barangay at ang paglaan ng P950M para sa expansion ng Gensan airport.

Magkaiba man ang kanilang political party subalit magkasama sila nuon bilang mga mambabatas.

Dagdag pa nito na hinde makalimutan ng magsama pagsakay sa iisang sasakyan dahil umuupo ang dati Pangulo sa gilid ng bintana dahil sa kanyang paninigarilyo.

Mahilig din umano si P-Noy na makipag joke at ang hilig makipag estorya sa katabi.

Nalaman na mula pa kahapon naka half mast na ang bandera ng bansa sa mga tanggapan ng gobyerno alinsunod na rin sa pinalabas na Executive Order ni Presidente Rodrigo Duterte.