-- Advertisements --

Iniulat ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nasa 2 milyong pamilyang Pilipino ang nailagay sa waiting list para sa cash assistance program ng gobyerno o 4Ps.

Ipinaliwanag ni Tulfo sa ilang grupo ng mga “galit” na benepisyaryo na nakatakdang tanggalin sa programa na marami pa ring mahihirap na pamilya ang nasa waiting list.

Sinabi ni Tulfo na sa 4.4 milyong pamilya, 1.3 milyong benepisyaryo ang aalisin sa 4Ps dahil hindi na sila kwalipikado o umabot na sa maximum na 7 taong pananatili sa ilalim ng programa.

Ngunit sinabi niya na ang mga pamilyang ito ay hindi agad masisipa sa programa, ngunit bibigyan sila ng abiso ilang linggo bago ma-delist.

Dagdag pa ni Tulfo na sa 600 pamilya na na-interview, ang ilan sa kanila ay nagsasara kapag bumisita ang mga opisyal ng DSWD sa kanilang mga bahay o nagpalit na ng tirahan.