-- Advertisements --

Patuloy na maghahatid ng ulan sa ilang bahagi ng ating bansa ang dalawang low pressure area (LPA).

Isa sa mga ito ay nasa West Philippine Sea o sa layong 115 km sa kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Habang ang ikalawang namumuong sama ng panahon ay nasa 705 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Babala ng Pagasa, maaari itong magdala ng ulan, baha at pagguho ng lupa, lalo na sa low lying areas.

Samantala, apektado naman ng malamig na northeast monsoon o amihan ang malaking parte ng Luzon.