-- Advertisements --
240553029 4119230661520145 5475117754808988531 n

Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan ngayon ng Pagasa malapit sa Batanes at Eastern Samar.

Ayon sa Pagasa, isa sa mga LPA ay nasa 190 kilometers west southwest ng Basco, Batanes habang ang isa pa ay nasa layong 465 km east ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa Pagasa, magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na rain showers at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Batanes at Babuyan Islands.

Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na sasamahan ng isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

Nagpaalala naman ang Pagasa sa mga kababayan natin lalo na sa mga mababang lugar na paghandaan ang posibleng flash floods o landslides sa severe thunderstorms.

-- Advertisement --