-- Advertisements --

Dalawang low pressure area (LPA) na ngayon ang mino-monitor ng Pagasa na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ang unang LPA sa layong 470 km sa silangan hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.

Habang ang ikalawa ay nasa layong 575 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa ngayon, parehong mababa ang tyansa ng mga ito na mabuo bilang bagyo sa susunod na 24 na oras, ngunit patuloy na magdadala ng makulimlim hanggang sa maulang lagay ng panahon.