-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Pagasa ng panibagong pag-ulan at pagbaha dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na namataang papalapit sa Pilipinas.

Ayon sa weather bureau, ang unang LPA ay nasa layong 90 km kanluran hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.

Ito ay inaasahang lalakas pa sa mga susunod na oras at magiging bagong bagyo.

Habang ang isa pang namumuong sama ng panahon ay nasa layong 315 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Maliban sa dalawang weather disturbance formation, nakakaapekto rin sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang umiiral na hanging habagat.