CAUAYAN CITY – Dinakip ang dalawang lalaki matapos na maaktuhang nag-iinuman sa isang resto bar sa Alibagu, Ilagan City
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Of Ilagan Police Station ang mga dinakip ay sina Ryan Almazan, 20 anyos, binata, residente ng Barangay Minabang, Ilagan City at Renato Lopez, 52 anyos , binata, transient resident ng Alibagu, Ilagan City.
Habang nagsasagawa ng intel-monitoring ang mga otoridad dahil sa pagpapatupad na enhanced community quarantine ay naaktuhan ang dalawa na nag-iinuman sa isang kubo ng kanilang pinagtatrabahuan na resto bar.
Agad na dinakip ang dalawa dahil sa paglabag sa liquor ban na ipinapatupad sa Lunsod ng Ilagan at nakuha sa kubo ang limang bote ng nakalalasing na inumin.
Dinala ang mga nasamsam na alak at dalawang pinaghihinalaan sa himpilan ng pulisya.
Positibo sa alcohol breath test ang dalawang pinaghihinalaan.