ROXAS CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos na makuryente sa Barangay Damayan, Sapian, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Jonel Flores, 38, at Rex Almanon, 22-anyos ng Barangay Man-up, Altavas, Aklan

-- Advertisement --

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulisya, natukoy na maghahatid lang sana ng sobrang semento ang mga biktima sa kanilang kakilala nang aksidente nasagi ni Flores ang duplex wire ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) na nakakonekta sa bahay ng isang residente.

Dahil dito, mabilis nama na tinulungan ni Almanon si Flores ngunit dumaloy rin ang kuryente sa katawan nito.

Dinala pa sa Mambusao District Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.