-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawang katutubong Teduday sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Regie Mailon at Jay-ar Datuwata, kapwa mga residente ng Barangay Kuya South Upi Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na naglalakad ang mga biktima sa kanilang sakahan ng ito ay pagbabarilin ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Kinondena naman ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament Member Romy Saliga ang pamamaslang sa mga biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng South Upi PNP sa pamamaril patay sa mga biktima.