NAGA CITY- Sugatan ang dalawa katao matapos aksidenteng mahagip ang isang motorsiklo ng bus sa Rolando Andaya Highway, Barangay Bel-Cruz, Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Andres Sabaybay, 28-anyos at Ryan Mallorca, 30-anyos na mga residente ng Barangay Salvacion sa parehong bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Jessie Baybay, investigator on case kan Lupi-PNP, sinabi nitong habang binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Sabaybay ang kalsada kasama ang backrider na si Mallorca nang mahagip ng St. Jude Passenger Bus na mula sa Metro Manila at patungog Naga City na minamaneho rin ni Reynante Zulueta, 44-anyos.

Kaugnay nito, tumilapon sa kalsada ang dalawa na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang katawan na agad namang itinakbo sa ospital.

Nabatid na parehong nakainom ang dalawang biktima habang wala ring suot na helmet.

-- Advertisement --

Sa ngayon, ngpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.