-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawang sibilyan sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Abubakar Mohammad 27 anyos, may asawa, residente ng Barangay Balut Sultan Mastura Maguindanao at Alkhaer Pusdan, 23 ,binata at nakatira sa Zenaida Subdivision Barangay Rosary Height 8 Cotabato City.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Barangay Simuay Seashore Sultan Mastura Maguindanao nang tambangan sila ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City sakay ng kulay itim na Toyota Wigo.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pananambang patay sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.