Dalawang katao ang iniwang patay matapos lumubog ang isang fishing boat na may sakay na 89 na migrante sa karagatan ng Indonesia.
Batay sa report, ang wooden fishing boat ay umalis ng Indonesia patungong Malaysia sa pamamagitan ng tinatawag na unguarded route.
Habang naglalayag ito sa karagatan, nagkaroon umano ng leak ang bangka bago tinamaan ng malalaking alon na siyang dahilan sa pagtaob nito.
Isang lalaki at babae ang natagpuang namatay, habang 61 ang na-rescue at agad dinala sa pinakamalapit na ospital para sa medical treatment.
Patuloy namang pinaghahanap ang 26 na nawawalang indibidwal.
Inihayag ni Pandawa na ang mga pasahero ay mula sa iba’t ibang bahagi ng Indonesia at naghahanap ng trabaho sa Malaysia na walang kaukulang documentation.
“We suspect the number of passengers exceeded the boat capacity so when the vessel was hit by strong waves, it immediately sank,” dagdag pa ni Pandawa.