-- Advertisements --
Patay ang dalawang Indonesian United Nations Peacekeepers sa southern Lebanon.
Ayon saUnited Nations Interim Force in Lebanon (Unifil) na lulan ang mga ito ng sasakyan ng biglang may malakas na pagsabog.
Sugatan naman ang dalawang kasamahan nila at ito ay dinala na sa pagamutan.
Dagdag pa nila na ito na ang pangalawang insidente sa loob ng 24 na oras.
Noong Linggo kasi ng gabi ay isa ring Indonesian peacekeeper ang nasawi matapos tumama ang isang missile sa kinaroroonan nito sa Adchit Al Qusayr sa southern Lebanon.
Magsasagawa na ng imbestigasyon ang UNIFIL ukol sa nasabing insidente.
















