-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaking Iranian at kasama nitong babae dahil sa pagtatangka nilang pumasok sa Faslane naval base sa United Kingdom.

Ayon sa Police Scotland na tinangka ng 34-anyos na lalaki at 31-anyos na babae na hindi pa malaman ang nationality nito ang lugar kung saan nandoon ang nuclear-armed submarines sa HM Naval Base Clyde.

Sinabi pa ng The Royal Navy, na bigong makapasok ang mga suspek sa base malapit sa Helensburgh, Argyll at Bute.

Paglilinaw ng mga otoridad na hindi naman nagpumilit na pumasok ang mga naarestong indibidwal.

Matapos lamang kasi na nagpaalam ang mga ito na kung maaring pumasok ay doon na lamang sila inaresto ng mga Police Scotland.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang dalawa kung ito ay mayroong mga kasong kinakaharap.

Ang Faslane ay siyang kinaroroonan ng nuclear submarine ng Royal Navy kasama na ang Vanguard-class ballistic missile submarines na may kargang Trident nuclear missiles.