BACOLOD CITY – Inihahanda na ng mga pulis ang kasong isasampa laban sa dalawang high school student na nabilhan ng marijuana sa ikinasang buy bust operation sa Bago City, Negros Occidental.

Madaling-araw pa lang nang isinagawa ng Bago City Police Station ang buy bust sa Purok Limbo, Barangay Poblacion, kung saan nahuli sina Jason Perater, 19-anyos; at Jhonhel Diosana, 20, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

-- Advertisement --

Ang dalawa ay pareho ring fourth year high school students sa Bago City.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang ziplock transparent plastic sachet na may lamang dried marijuana leaves, cellphone at P400 kabilang na ang buy bust money.

Ang marijuana leaves ay tinatayang may bigat na 2 grams.

Kasama ng Bago City Police Station sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency-Region 6.