-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan na bagamat wala pa silang namamataang Low Pressure Area, dalawa hanggang tatlo pang bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa nalalabing mga araw ng Setyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Jose Estrada Jr., ang Chief Meteorologist ng naturang ahensya, bahagya munang nawala ang Hanging Amihan dahil ang kasalukuyang nakakaappekto ngayon sa bansa ay ang localized thunderstorms.

Paalala nito sa publiko na maaaring magdulot ito ng mga pag-ulan , kabilang din ang pagkakaroon ng pagkidlat at pagkulog sa pagsapit ng hapon.

Samantala sa pangalawang linggo pa umano ng Oktubre maaaring pumasok ang paglamig ng hangin depende kung walang weather system na maaari pang gumambala sa lagay ng panahon.