-- Advertisements --

Hinatulang makulong ang dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.

Ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ay naganap ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.

Dahil sa insidente ay nakitan ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.
Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan.

Habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.

Lumabas sa pagsisiyasat ng korte na bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures.

Ikinadismaya naman ng mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon.