BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang estudyanteng nahuli sa anti-drug operation ng mga otoridad sa Poblacion East, Lamut, Ifugao.

Nakilala ang mga suspek na sina Christian Quintos at Paul Andrei Galvez, kapwa 21-anyos na galing sa Bulacan.

Ayon sa Lamut Municipal Police Station, nakumpiska sa dalawa ang 16 na bricks ng napatuyong dahon ng marijuana at apat na tabular na naglalaman din ng dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.5 million.

Nadakip ang dalawa sa checkpoint/interdiction na isinagawa ng mga anti-narcotic operatives.

Noong isang araw lamang ay naaresto ng pulisya ang 14 na turista sa Mountain Province dahil sa kanilang pagdadala ng mga marijuana na nagkakahalaga naman ng P365,000.